Kahulugan ng salawikain sa filipino

Answers

Salawikaing Pilipino:

Ang mga salawikain, proverbs o sayings ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga katuruan o pilosopiya sa Pilipinas. Maaari ring mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan o basahin ang mga ito.

Mga tradisyonal na kasabihan ang mga salawikan na ginagamit ng mga Pilipino at ang mga ito ay nakabatay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya sa Pilipinas.

Ayon sa mga akademikong sulatin, kapag daw ginamit sa pang-araw-araw na buhay lalo at sa mga pag-uusap o pakikipagdiskurso, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o kaisipan ng paliwanag o dahilan

“Ang taong hindi marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan” ay isa sa pinakatanyag na salawikain ng mga Pilipino. Isa itong salawikain Tagalog na nagpapahayag at humihikayat na bigyang pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at pinag-ugatan. Sinasabing dahil sa salawikaing ito, nagkaroon tayo ng kulturang pagtanaw ng mga utang na loob.

Ang mga salawikain ay inilalarawan bilang mga palamuti sa wika lalo na sa wikang Filipino ng Pilipinas.

Ang mga ito ay ang mga pananalita ng mga ninuno natin na naisalin ng isang salinlahi sa pangkasulukuyang mamamayan at isasalin pa sa mga susunod pang henerasyon.

Ang mga salawikain ay ginagamit bilang karunungang natutunan mula sa ating mga karanasan, na nakapagsasaad ng ating mga damdamin, paglalahad, o kahit pa pati mga opinyon.

Bukod din rito ay nagagamit din natin ang mga salawikain para hindi makasakit o makainsulto ng ibang damdamin ng tao.

Sa katunayan ay may isa tayong salawikain para sa ganito, iyo ay ang katagang "Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit."

Ayon sa ating tradisyon, sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga salawikain at paghahalo ng napapanahong kasanayan, maaaring maipahayag ng isang tao ang kaniyang awa’t paglalagay ng kaniyang sarili sa ibang katauhan o mararamdaman ng tao.

Salawikain in English – Proverbs, Saying

Mga Halimbawa ng Salawikain:

1. Kung ano ang puno siya ang bunga.

2. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

3. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.

4. Kung anong itinanim, siyang aanihin.

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Minsan ay nalilito ang mga tao sa salawikain at sawikain.

Ang sawikain naman ay ang mga pahayag na maaaring mga idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin ng mga sawikain ay hindi komposisyunal o mahirap matumpak.

Read more on -

Aanhin ang damo , kung patay ng kabayo


Do you know the answer?

Other questions on the subject: Filipino

Filipino, 28.10.2019, cbohol56
Ang mga kaalamang bayanbugtongang lumalakad ng matulinkung matinik ay malalimsalawikaindaig ng maagapang taong masipagsawikaintiririt ng mayatiririt ng ibon...Read More
1 more answers
Filipino, 28.10.2019, 09652393142
magkasalungat magkasingkahulugan mapayat-mataba matulin-mabilis maganda-mapangit mabagal-mahinahon mabango-mabaho matangkad-mataas...Read More
1 more answers
Filipino, 28.10.2019, danigirl12
Tulang malaya dahil ung mga ginamit na salita dito ay di istrikto....Read More
2 more answers
Filipino, 28.10.2019, 09330399672
Buod: Niyebeng ItimTagpuan:Beijing, ChinaPanahon: naganap ito bago at pagkatapos ng bagong taon.Paksa at TemaIto ay tungkol sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Tsino. Ang tema ay...Read More
1 more answers