Sino ang nagpatunay na ang mundo ay bilog

Answers

ANG NAGPATUNAY NA BILOG ANG MUNDO AY SI FERDINAND MAGELLAN

Ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ang nagpatunay na ang mundo ay bilog at kayang ikutin ang mundo. Dahil sa kanyang ekspedisyon natuklasan niya ang anyong-tubig na nag-uugnay sa Atlantic Ocean at Pacific Ocean na tinawag na Strait of Magellan bilang parangal sa kaniya.  Naipalaganap din ni Magellan ang Kristiyanismo.

Sino si Ferdinand Magellan?

Si Ferdinand Magellan ay isang eksplorador na Portuges. Ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, sa bansang Portugal. Siya ay anak nina Rodrigo de Magalhaes at ni Alda de Mesquita. Nag-alok ng paglilingkod sa hari ng Espanya sa pamamagitan ng pamumuno sa ekspedisyon. Ito ang paghahanap ng bagong ruta patungong Moluccas Islands na kilala rin bilang “Spice Islands”. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag na nagmula sa Europa pakanluran patungong Asya. Siya rin ang unang Europeo na nakatawid sa Karagatang Pasipiko, at nanguna sa unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan nila ni Lapu-lapu sa Mactan

Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Agosto 10, 1519- ang limang barko sa ilalim ng pamumuno ni Magellan na Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong Sanlucar de Barrameda sa bukanan ng ilog.

Setyembre 20, 1519- naglayag ang grupo ni Magellan.

Nobyembre 28, 1519- ang ekspedisyon ay tumawid sa ekwador.  

Disyembre 6, 1519- natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika.

Disyembre 13, 1519-  Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ito ni Magellan at nag-angkla sa ngayong Rio de Janeiro.  

Enero 10, 1520- Narating ng armada ng Rio dela Plata.

Marso 30, 1520- itinatag ni Magellan ang temporaryong tirahang tinatawag na Puerto San Julian.

Abril 1, 1520- isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko.

Oktubre 21, 1520- narating ng armada ang Cape Virgenes at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain.

Nobyembre 1, 1520- Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magellan na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos.

Nobyembre 2, 1520- Unang itinakda ni Magellan sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya. Nobyembre 28, 1520- ang tatlong natitirang barko ay pumasok sa Timog Pasipiko.

Pebrero 13, 1521- Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador.

Marso 6, 1521- narating ang Marianas at Guam.  

Marso 16,1521- natuklasan ang mga kabundukan ng ngayon ay Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at mula dito ay narating ang Homonhon.

Marso 25, 1521- si Magellan ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua.

Marso 31, 1521- idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua.  

Abril 4, 1521- si Magellan at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu.

Abril 14, 1521- binautismuhan sa Romano Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu.

Abril 28, 1521- si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan ayon ito kay Pigafetta.

1522- Si Del Cano armada ni Magellan ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong na bumubuo sa paglibot ng mundo.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaarig magpunta sa link na ito:Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan:

#LetsStudy

Marami ng mga explorers ang nagpatunay na bilog ang mundo kagaya ni christopher columbus, ferdinand magellan atbp
Christopher columbus


Do you know the answer?

Other questions on the subject: Araling Panlipunan

Ang kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni hesus na pinaniwalaan ng mga kristiyan...Read More
1 more answers
ang sumeria ay hindi nagkaisa noong sinasalakay sila ng mga akkadiano kaya ang lungsod-estado na ito ay naging bahagi ng imperyong akkadiano. nilusob din ito ng mga elamita. sinasa...Read More
1 more answers
Magdangal? pls complete ur question or else no one will be able to answer it...Read More
1 more answers
Ang simbolo ng mga katutubong kasuotan ay ang kanilang mga paniniwala. At ang mga damdamin na gusto nilang ipahayag gamit ang pag-gawa ng mga damit....Read More
1 more answers