Karoroonan ng caspian sea at ilarawan

Answers

Matatagpuan ang Caspian Sea sa pagitan ng Russia, Kazakhstan at pakistan at sinasabing pinakamalaking lawa sa daigdig.
Ang Caspian Sea ay ang pinakamalaking nakapaloob sa loob ng katawan ng tubig sa Earth sa pamamagitan ng lugar, variously classed bilang pinakamalaking lawa sa mundo o isang ganap na dagat. Ito ay nasa isang endorheic basin na matatagpuan sa pagitan ng Europa at Asya.

Maraming lokal at turista sa Europa ang nakakaalam sa dagat ng Caspian. Bagamat ito ay pinalilibutan ng lupa, ito ay mas kilalang bilang dagat sa halip na lawa. Ito ay kinilala bilang isang dagat dahil noong unang natagpuan ito ng mga sinaunang Romano, natuklasan nila na maalat ang tubig ng lawing ito.

Ang tubig rito ay maalat dahil sa mga nakakonektang ilog dito, tulad ng ilog ng Terek, Ural at Volga. Sa mga nabanggit na ilog, ang ilog ng Volga ang pangunahing pinagkukunan ng tubig mga taong nakatira sa Ruso. Dahil sa pagkunsomo di umano ng mga sinaunang lokal sa tubig ng Ilog Volga, bumaba ang lebel ng tubig na umaagos sa dagat ng Caspian, na siyang nagdudulot ng pag-alat nito.

Lokasyon ng Caspian Sea

Napakapopular ng dagat na ito dahil sa kanyang lokasyon. Ang dagat ng Caspian ay matatagpuan sa Europe at Asia. Dahil sa laki at luwang nito, maraming bansa ang makikita sa paligid nito, tulad ng bansang Iran, Ruso, Azerbaijan, Turkmenistan, at Kazakhstan sa kanluran at timog.

Sa bandang silangan at hilagang hibaybay ng dagat ng Caspian naman ay makikita ang mga kapatagan ng Gitnang Asya. Ito ang pinakamalaking anyong tubig na pinapalibutan ng lupa sa mundo, na mayroong lawak ng 371,000 square kilometers, at may lalim ng 300 talampakan.

Kahalagahan

Ang dagat ng Caspian ay napaka-importante sa mga bansang malapit dito dahil sa mga yamang-dagat na makakuha dito at sa turismo. Walompung porsiyento ng nahuhuli na isdang Sturgeon, ang isdang pinang-kukunan ng Caviar, ay nagmumula rito. Bukod diyan, sinasabi na mayroong malalaking reserba ng langis sa ilalim ng hilagang-silangan ng dagat ng Caspian. Noong taong 1992, ang mga bansang Azerbaijan at Kazakhstan ay nakaranas ng paglobo ng kanilang produksyon ng krudo. Ang kabuoan ng kanilang produksyon ay umaabot ng 1.6 milliong bariles ng langis. Noong 2010, muling dumami ang kanilang produksyon dahil sa pagtriple ng naani nilang langis.

ang lokasyon ng caspian sea sa asia at europeMayroon ring natatagpuan na mga mineral rito, tulad ng sodium sulfate, na ginagamit sa paggawa ng tina. Maliban sa yamang-dagat, mga mineral, at reserba ng langis na matatagpuan rito, malaki din ang papel ng dagat ng Caspian sa turismo ng mga bansang malapit rito, lalo na ang Azerbaijan, Kazakhstan at Turkmenistan, na malayo sa mga dagat.

Ang dagat ng Caspian ay mayroon mabuhanging dalampasigan, malalagong halaman, at kamangha-manghang mga tanawin. Dahil rito ay patok na patok itong pook pasyalan ng mga turistang at mga lokal na bumibisita rito.

Kahit pa hindi gaanong kalinaw kung saan nga ba dapat ipabilang ang dagat ng Caspian, at kahit pa hindi rin sigurado kung dapat nga ba itong tawagin na dagat o lawa, ay patuloy pa rin itong magiging isang napaka-importanteng anyong tubig sa Europa at Asya.

Lokasyon ng Caspian Sea

Napakapopular ng dagat na ito dahil sa kanyang lokasyon. Ang dagat ng Caspian ay matatagpuan sa Europe at Asia. Dahil sa laki at luwang nito, maraming bansa ang makikita sa paligid nito, tulad ng bansang Iran, Ruso, Azerbaijan, Turkmenistan, at Kazakhstan sa kanluran at timog.

Sa bandang silangan at hilagang hibaybay ng dagat ng Caspian naman ay makikita ang mga kapatagan ng Gitnang Asya. Ito ang pinakamalaking anyong tubig na pinapalibutan ng lupa sa mundo, na mayroong lawak ng 371,000 square kilometers, at may lalim ng 300 talampakan.

Explanation:

Ang Caspian Sea o Dagat Caspian ay matatagpuan sa pagitan ng Asya at Europa partikular sa silangang bahagi ng Caucasus Mountains at umaabot sa kanlurang bahagi ng Gitnang Asya.  Ito ay tinaguriang pinakamalaking anyong lupa at nagtataglay ng magkaparehong katangian ng lawa at dagat. Karaniwan itong tinatawag na pinakamalaking lawa kahit hindi naman matabang ang tubig nito. 

Explanation:

Ang Caspian Sea ay ang pinakamalaking lawa sa daigdig kung susukatin ang lapad nito. Ang lapad ay 394,299 km², ito ay higit na malaki kahit pa pagsama-samahin ang sumunod na anim pang mga lawa. ito ay matatagpuan sa pagitan ng Europa at Asya at napapaligidan ng mga bansang Russia, azerbaijan, kazakstan, iran at turkmenistan...


Do you know the answer?

Other questions on the subject: Araling Panlipunan

Lumitaw ang mga mnc's at tnc's sa pilipinas dahil sa ang kanilang serbisyong ipinagbibibli   ay batay sa pangangailangang local....Read More
2 more answers
Ayon kay c. wright mills (1959) ito ay ang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan...Read More
3 more answers