Ang salitang balanse ay maaring gamitin sa maraming aspeto ng pangungusap o punto na gustong ipahiwatig o ipaliwanag. Maaring balanse sa katawan, pagkain, kalikasan, at iba't - iba pang pangngalan o noun.
Explanation:
Sa usaping katawan, malilinang ang balanse ng katawan kung maayos ang tinatawag na equilibrium state nito. Kadalasan, ang mga taong may dinaramdam na sakit katulad ng vertigo ay hirap sa pagbalanse sa pagtayo at pagkilos at na nangangailangan ng wastong gamutan. Mapapanalitili ang balanse ng katawan sa pamamagitan ng tamang pahinga, regular na ehersisyo at wastong pagkain.
Ang balanse naman sa pagkain ay nagsasaad ng kumpletong uri ng mga pagkain nagtataglay ng bitamina at mineral na kailangan ng katawan upang mapanatili ang malusog na estado nito. Naaangkop kainin ang mga pagkaing nakasaad sa food pyramid :
GO FOODS ( kanin, tinapay, suman, kamote)GROW FOODS (isda, karne ng manok o baka, lamang dagat)GLOW FOODS (petsay, malunggay, mangga, kalabasa)
Sa aspeto ng kalikasan, makakamit ang balanse nito kung patuloy nating pananatilihin ang pagpapayaman ng mga puno, pag iiwas sa pagtatapon ng mga basura kung saan saan, at pagiging mapanuri sa mga kemikal na pweding makaapekto sa balanse ng kalikasan at ng ating mga likas na yaman.
Mga karagdagang kaalaman: