MASASABI BANG LABIS-LABIS NA MINAHAL NI BALAGTAS ANG KANYANG SELYA?

Answers

Florante at Laura

Kay Selya

Masasabing labis labis ang pagmamahal ni Balagtas kay Selya sapagkat nagawa niyang sumulat ng korido para dito. Sa unang saknong pa lamang ng kanyang akdang Kay Selya ay mababanaag na walang ibang babaeng laman ang kanyang puso kundi si Selya. Na ayon pa kay Balagtas ay pinuhunan niya ng pagod at hilahil. Wala siyang ibang iniisip kundi si Selya maging sa mga panahon na siya ay nasa bingit ng kapahamakan. Makita lamang niya ang larawan ni Selya na kanyang iginuhit ay nawawala ang kanyang ligalig at labis na pangungulila para sa dalaga. Ang kanyang pangako na wala siyang iibigin kundi si Selya ay sapat ng dahilan para sabihin na labis labis ang pagmamahal ni Balagtas para kay Selya. Nakahanda siyang magsakripisyo para sa dalaga maging ito man ay magdulot sa kanya ng kasawian ang mahalaga maging maayos ang kalagayan ng dalaga. Makalimot man si Selya sa kanilang pag iibigan hindi siya kailanman magtatanim ng sama ng loob para sa dalaga bagkus uunawain niya na nangyari ang mga iyon dahil sa kanyang pangungulila. Alam niya na magkahiwalay man sila hindi niya maaaring sisihin ang dalaga sapagkat noong mga panahon na sila ay magkasama pa, naging tapat naman ito sa kanya.



Do you know the answer?

Other questions on the subject: Filipino

Filipino, 28.10.2019, snow01
"Buhay Kabataan"Ang buhay kabataan ay talaga namang kay saya at puno ng kulay Bawat minutong nagdaan ay dapat pahalagahan Hindi lamang puro saya ang dapat mong matutunanKailangan a...Read More
1 more answers
Filipino, 28.10.2019, nelspas422
Wikang wikang puno ng dungon at kaalaman misteryo kung turingan papaano kakaputan patak nitong ambut ulan papaano kikitilin haring araw na huwaran pag agos din nitong ilog kung p...Read More
1 more answers
Filipino, 28.10.2019, enrica11
Tingin nila na lahat ng mga kastila ay matatalino at edukado kaya nung may nakita silang kastila na di marunong magbasa at magsulat, pinagtawanan nila ito...Read More
1 more answers
Filipino, 28.10.2019, girly61
Dahil nais nya itong pakasalan .. at gusto niyang malaman kung nabubuhay pa ito...Read More
1 more answers