Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga gawain ng pangkat?

Answers

Kung may isang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga gawain ng pangkat mahalagang kausapin muna siya, tanungin kung may problema siya at itanong ang mga dahilan niya kung bakit hindi siya nakikiisa. Ang may kakayahan at unang dapat gumawa nito ay ang lider o pinuno ng grupo o pangkat sapagkat siya ang inatasang mamuno at mamahala dito. Kausapin muna niya ng mahinahon at dapat may malawak na pang-unawa, maaring may mga dahilan siya kung bakit ayaw niyang makisama at makiisa. Mahalaga ding hingin pa rin ang kanyang opinyon tungkol sa ginagawa dahil baka nahihiya lang siyang maglakas ng loob na magmungkahi o magbahagi ng kanyang kagustuhan.

Mahalaga sa isang pangkat ang magkaroon ng bukas at malawak na pang-unawa para sa mga opinyon at saloobin ng ibang miyembro ng pangkat. Magkaroon dapat ng pagkakaisa at pagtutulungan upang matapos ang gawaing iniatas sa tama at takdang oras.

Kahulugan ng Pagkakaisa:

Pangkat

Ang pangkat ay isang grupo o samahan ng mga taong may isang layunin, mithiin o tunguhin. Binubuo ito ng mga taong may nagkakasundo, nagtutulungan at nagkakaisa upang makamit ang isang layunin.

Mga katangian na dapat taglayin ng isang pangkat; Ang isang pangkat ay dapat may pagkakaisa, pagtutulungan at pagkakasundo. Ang mga miyembro ng pangkat ay dapat bukas sa mga saloobin at opinyon ng bawat isa. Mayroong pagkakaunawaan at may malawak na pagkakaintindihan sa isang isyung tinatalakay. May respeto at paggalang sa bawat isa. May pagmamalasakit sa bawat miyembro ng pangkat. Magturingang magkakapatid at magkaka-pamilya. May iisang tunguhin at layunin. Hindi nag-aaway away. May pagmamahal sa bawat miyembro ng pangkat. Magkakaiba man ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap, pagtanggap sa kagustuhan ng iba. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit sa damdamin ng ibang miyembro ng pangkat.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na:  

 

 

#LetsStudy  

hikayatin siyang maging responsable, dahil may pagkakataon na ang magiging kapangkat ng nasabing tao, ay kaparehas nya na ayaw ring makiisa, ehh parepareho silang walang mapapasa, at sa nasabi, ang pangkat, ay pangkat, dapat may pagtutulungan

Pabayaan mo siya at lagyan mo ng 'did not participate' ang kanyang panglan para magtanda. At hwug ka masyado ma stress sa mga taong ganyan dahil nakakapimple lang sila :)


Do you know the answer?

Other questions on the subject: Edukasyon sa Pagpapakatao

ang buhay noon ay sadyang mahirap noon ay nasakop tayo nang mga dayuhan o mga kastila upang gawing alipin dahil mayroon silang intensiyon sa pagkuha nang yaman sa ating bansa ang m...Read More
3 more answers
Explanation:Mainit na isyu ang katarungan at hustisya sa ating bansa. Isa ito sa mga bagay na sinasabi nilang: Kapag mahirap ka, imposible ang hustisya. Bakit? Dahil ang katotohana...Read More
3 more answers
Sa pamamagitan ng pamumuhay ng normal dahil dito malalaman mo ang tunay na kulay ng iyong buhay.Ang pagiging perpekto at pagiging tama palagi ay hindi basehan para magkaroon ng was...Read More
1 more answers
Subject: Edukasyon sa pagpapakatao ang aking sagot sa tinaguriang ina ng mga birtud ay Prudentia, ito ay letter a. •ang “ina ng mga birtud ng katapangan, kahinahunan at katarungan...Read More
2 more answers
The characteristics of early Christians shows great example. When Jesus said to his apostles, If anyone would come after me, let him deny himself and take up his cross and follow m...Read More
1 more answers
1.Paggalang sa pagiging indibidwal na kapwa2.Pagpapahayag ng mga damdamin3.Pagtanggap sa kapwa4.Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi at ibabahagi ng kapwa5.makinig sa kanilang mga...Read More
1 more answers
Ang pagkilala ng di nagbabagong mga prinsipyo sa buhay ay isang mahalagang salik upang makapamuhay ng makatarungan. Ang isa sa prinsipyong ito ay ang pagkilala na may inilagay na a...Read More
1 more answers